
Intense ang mga emosyon sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng Thai series, pilit na idineny ni Keith ang kanyang feelings kay Penny.
His actions say otherwise dahil labis ang kanyang concern kay Penny.
Sa labas, unfair si Keith kay Penny pero ang totoo, may soft spot siya pagdating sa dalaga.
Dahil sa pakikipagkita ni Penny kay Mark, lalong uminit ang ulo ni Keith. Dahil lang ba ito sa alitan sa negosyo o dahil nagseselos si Keith?
Samantala, napatunayan ang pag-aalala ni Keith kay Penny nang dakpin ang huli ng mga masasamang loob.
To the rescue si Keith para iligtas si Penny mula sa mga kidnapper.
Nakonsensya si Penny dahil ayaw niyang muling mapahamak si Keith nang dahil sa kanya.
Nangako naman si Keith na magkasama silang tatakas mula sa mga kidnapper.
Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: