
Intense ang mga emosyon sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng Thai series, tumindi pa lalo ang obsession ni Penny (Kao Supassara Thanacahart) sa kababatang si Keith (Mark Prin).
Kasabay nito, lalo pang kinamuhian ni Keith si Penny dahil sa pagpapakita nito ng attachment.
May isang beses pang pinilit ni Penny si Keith na makipagsiping sa kanya. Tinest ni Keith si Penny pero hindi siya bumigay sa tukso dahil kapatid ang turing niya kay Penny. Nahuli naman sila ng mga magulang ni Keith na magkapatong sa kama.
Nasangkot sina Keith at Penny sa isang car accident. Kritikal ang lagay ni Keith na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Na-puncture ng ribcage ang lungs ni Keith at matindi ang trauma sa utak niya. Sinisi ni Penny ang kanyang sarili at inamin ang totoong nangyari sa ama ni Keith.
Inako ni Penny ang kasalanan at gustong alagaan ang kanyang kababata na tumayong kuya niya niya. Tinanggap naman ng ama ni Keith ang sorry ni Penny pero pinayuhan itong huwag munang magpakita sa kanyang Kuya Keith.
Samantala, umalis ng farm si Penny at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Bangkok para magbagong buhay.
Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: