
May feelings reveal na si Penny sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon, ang My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng Thai series, inamin na ni Penny (Kao Supassara Thanacahart) na may gusto siya sa kababata niyang si Keith (Mark Prin).
Dahil sa ipinapakitang concern ni Keith kay Penny, nami-misinterpret ng dalaga ang kabutihan ng kanyang childhood friend.
Sinabi ni Penny na gusto niyang pakasalan si Keith pero natigilan ang huli dahil naniniwala ito na pagmamahal ng isang kapatid lang ang nararamdaman ng una sa binata.
Kahit kapatid lang tingin ni Keith kay Penny, handang ipaglaban ng dalaga ang pag-ibig niya para sa lalaki.
Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE:
Samantala, TV, marami na ang na-in love sa kanya sa Instagram. Tingnan ang ilan niyang thirst-trap photos sa gallery na ito: