
Intense ang mga emosyon sa nalalapit na pagtatapos ng kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng Thai series, nakakuha ng suporta si Penny mula kay Keith nang buksan muli ang kaso ng kaniyang inang napaslang.
Nalaman na rin nila na si Mark ang salarin kaya gagawin ni Penny ang lahat para tuluyang pagbayaran ng kriminal ang mga kasalanan niya.
Hindi iniwan ni Keith si Penny hanggang dulo para patatagin ang loob nito at nakakuha rin ang dalaga ng suporta mula sa kanilang mga kaibigan na sina Tyson, Bing, at Carlo.
Hindi rin pinabayaan ng mga magulang ni Keith si Penny at sinamahan pa sa hearing bilang itinuring na rin nila itong tunay na anak matapos mawala ang kaniyang mga magulang.
Huwag palampasin ang huling linggo ng My Forever Sunshine, Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: