
Maaari nang mapakinggan ang original soundtrack ng family series na My Guardian Alien sa mga online streaming platform.
Ang Kapuso singer at actress na si Zephanie ay ang boses sa likod ng theme song ng naturang serye at ito'y pinamagatang “Nagbago Ang Daigdig.” Ito ay composed ni Rina May L. Mercado, mixed by Harry A. Bernardino, at produced ni Rocky S. Gacho.
Ang OST ng My Guardian Alien ay maaari nang mapakinggan sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital music platforms.
Pakinggan ang “Nagbago Ang Daigdig” DITO.
Ang My Guardian Alien ay pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.