Here's what happened at the media conference of 'My Guardian Alien'

Simula April 1, mapapanood na ang pinakabagong primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Kabilang din sa stellar cast ng serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray, at Marissa Delgado.
Ipinakilala ang bawat cast member ng My Guardian Alien sa naganap na media conference noong Huwebes (March 21) at excited sila na humarap sa entertainment press. Nakasama rin ng cast sa stage ang direktor ng serye na si Zig Dulay.
Alamin ang masasayang happenings sa naganap na media conference ng My Guardian Alien sa gallery na ito.




















