GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: Moi's diary

By EJ Chua
Published January 12, 2022 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Ano kaya ang laman ng diary ni Moi? Alamin sa 'My Husband in Law.'

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng My Husband in Law, mas nakikilala pa nina Moi at Tien ang isa't isa sa tulong ng pagsasama nila bilang mag-asawa.

Noong estudyante pa lamang si Moi, isang lalaki na nasa higher level ang lubos na hinahangaan niya dahil sa angking talento at kagwapuhan nito.

At dahil ilang beses silang pinagtagpo ng tadhana, nakahiligan na ni Moi na magsulat sa kanyang diary tungkol sa kanyang crush at mangolekta ng mga larawan nito.

At kahit dumaan na ang mahabang panahon, itinago pa rin ni Moi ang mga ito.

Kaya naman sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Tien ang diary ni Moi at labis siyang nagulat sa kanyang mga nalaman.

Buong akala kasi ni Tien ay kapatid lamang ang turing sa kanya ni Moi.

Sa pamamagitan ng diary, nalaman na ni Tien ang tunay na nararamdaman ni Moi para sa kanya.

Moi's longtime secret

Ano kaya ang mangyayari ngayong nabunyag na ang sikreto ni Moi?

Mas mapapalapit nga ba ang loob nila sa isa't isa dahil dito?

Abangan ang mga kasagutan mamaya sa My Husband in Law, mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: