GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: The power of the wedding ring

By EJ Chua
Published January 11, 2022 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Bakit biglang isinuot ni Moi ang wedding ring nila ni Tien? Alamin sa 'My Husband in Law.'

Sa pagpapatuloy ng kuwento nina Moi at Tien sa My Husband in Law, mas sinusubok ng pagkakataon ang kanilang pagtutulungan at pagkakaisa bilang mag-asawa.

Kahit kasi ikinasal na ang dalawa, tila hindi pa rin tumitigil si Nadia sa kakahabol kay Tien.

Isang araw, pinuntahan pa ni Nadia si Tien sa kanyang opisina upang kumbinsihin ito na bumalik sa kanya.

Walang sawa niyang kinulit si Tien hanggang sa umabot na sila sa parking area. Sakto naman na naroon din si Moi.

Nang maabutan ni Moi na nagdidiskusyon ang dalawa, naisip niyang isuot ang kanilang wedding ring upang ipamukha sa babae na totoong ikinasal na si Tien sa kanya.

Sinugod niya ito at ipinagtabuyan sa harap mismo ng kanyang asawa.

Kapansin-pansin naman ang hindi maipintang mukha ni Nadia nang marinig mula kay Moi ang katotohanan tungkol sa naganap na kasalan.

Moi, to the rescue!

Titigil na kaya si Nadia sa panggugulo kay Tien?

Ano pa kaya ang mga kayang gawin ni Moi upang maprotektahan ang kanyang asawa?

Abangan ang mga kasagutan mamaya sa My Husband in Law, mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: