
Sa unang episode ng My Husband in Law, napanood ng mga Pinoy ang naganap na pinakamalaking kasalan sa Philippine television.
Dahil sa malaking gulo na sinimulan ni Tien kasama ang isang babae na may asawa na pala, napagkasunduan ng kanilang mga magulang na ipakasal si Tien sa kababata nito na si Moi.
Matapos ang wedding ceremony, wala nang nagawa si Tien kundi sundin ang lahat ng utos ng kanyang mama.
At dahil hindi lubos na matanggap ni Tien ang mga biglaang pagbabago sa kanyang buhay, ibinilin niya kay Moi na panatilihing isang sikreto ang naganap na kasalan.
Dahil mag-asawa na sila, nagsimula na rin silang bumukod ng bahay.
Napagdesisyunan nila na manirahan sa bahay nila Tien.
Nang magsimula na silang magsama sa iisang bubong, tila mas nadagdagan ang pagkairita ni Tien kay Moi.
Para naman kay Moi, masayang-masaya siyang makasama si Tien bilang kanyang asawa.
Isang araw, nataranta ang dalawa nang biglang dumating ang mga kaibigan ni Tien sa kanilang bahay.
Mabilis na nagtago si Moi ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakita rin siya ng isa sa mga kaibigan ni Tien.
Nang mahuli siya na nagtatago sa may kuwarto ni Tien, pinilit ng mga bisita na paaminin si Moi kung ano ang tunay na relasyon niya sa kanilang kaibigan.
The secret
Aaminin nga ba ni Moi ang totoo na asawa siya ni Tien?
O iingatan pa rin niya ang kanilang sikreto?
Abangan ang mga kasagutan mamaya sa My Husband in Law, mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: