
Kilig is definitely back on primetime dahil ang world premiere ng GMA Prime romcom series na My Ilonggo Girl, nakapagtala ng mataas na TV ratings!
Bukod sa pinag-usapan nang husto online ng mga netizen ang chemistry nina Jillian Ward at Michael Sager, palong-palo rin ang nakamit ng show na 6.5 percent na ratings base sa datos na nakalap ng NUTAM People Ratings.
Samantala, patuloy din gumawa ng ingay ang My Ilonggo Girl sa second episode nitong January 14 dahil buhos ang emosyon lalo na sa kinakaharap na problema ng mga karakter ng serye.
Kaya for more kalokalike moments nina Tata (Jillian Ward) at Venice (Jillian Ward), bisitahin lang ang GMANetwork.com.
RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager