GMA Logo My Lady Boss in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'My Lady Boss' ni Marian Rivera, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published January 7, 2026 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Matcha: benefits, risks, and everyday consumption, according to nutritionists
Woman nabbed for allegedly trying to sneak shabu into CDO jail
Daig Kayo Ng Lola: Magbago ka na, Pippa!

Article Inside Page


Showbiz News

My Lady Boss in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'My Lady Boss' ni Marian Rivera sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Hindi mapapantayan ang husay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatawa at pagpapaiyak.

Kitang-kita 'yan sa kanyang 2013 film na My Lady Boss na mapapanood ngayong linggo sa I Heart Movies.

Gaganap siya rito bilang Evelyn, ang workaholic at istriktong brand manager ng isang kumpanya. Papasok sa buhay niya si Zach, role ni Richard Gutierrez, na isang rich boy na napilitang maghanap ng trabaho matapos pumalpak sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

Abangan ang kanilang kilig na istorya sa My Lady Boss sa January 10, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang romance drama film na Sana Dati, na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

Ang award-winning director na si Jerrold Tarog ang nagsilbing direktor, writer, editor, at maging musical scorer ng pelikula.

Kuwento ito ni Andrea (Lovi Poe) na nakatakdang ikasal kay Robert (TJ Trinidad), isang politician-turned-businessman.

Habang ini-interview siya ng wedding videographer na si Dennis (Paulo Avelino), maaalala ni Andrea ang dating kasintahan na si Andrew (Benjamin Alves).

Abangan ang Sana Dati, January 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.