GMA Logo My Roommate is a Gumiho
What's Hot

'My Roommate Is a Gumiho,' magsisimula na sa August 21

By EJ Chua
Published August 9, 2023 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gladys sa umano'y alitan nina Angelu at Claudine: 'Hindi po ako sumasali'
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

My Roommate is a Gumiho


Malapit nang ipalabas sa GMA ang fantasy romantic comedy series na 'My Roommate Is a Gumiho.'

Isa sa mga dapat abangan ngayong Agosto sa GMA ay ang Korean fantasy romantic-comedy series na My Roommate Is a Gumiho.

Bukod sa may maganda itong istorya, kaabang-abang din ang Korean stars na bibida sa bagong seryeng handog ng Kapuso Network.

Ilan sa mapapanood sa serye ay sina Jang Ki-yong, Lee Hye-ri, Bae In-hyuk, Kang Han-na, at marami pang iba.

Magsisimula ang kwento nito sa paglalahad ng buhay ng 999-year-old fox at ng babaeng magiging dahilan kung bakit mauudlot ang pagtupad niya sa kanyang plano na maging isang ganap na tao.

Tampok dito ang isang fox bead na pinakaiingatan ng nine-tailed fox dahil ito ang paraan para siya ay maging tao.

Ang fast-rising Korean actor na si Jang Ki-yong ang gaganap na gumiho at isa rin siyang professor dito.

Samantala, ang Korean actress naman na si Lee Hye-ri ay mapapanood sa serye bilang isang college student.

Paano kaya magkakatagpo ang roles nina Jang Ki-yong at Lee Hye-ri?

Paano babaguhin ng isang pangyayari ang buhay ng kanilang mga karakter?

Sabay-sabay nating abangan ang My Roommate Is a Gumiho, magsisimula na sa August 21, 5: 10 p.m. pagkatapos ng Fast Talk with Boy Abunda sa GMA.