
Sa ikalawang linggo ng My Shy Boss, muling nagtagpo ang landas nina Joaqui at Rory ngunit akala ng huli na isang delivery guy ang una kaya inutusan niya itong mag-deliver ng items para sa isang shoot.
Niligtas naman ni Joaqui ang buhay ni Rory dahil muntik na itong mabangga ng isang motor.
Nang makauwi si Rory sa kanyang tahanan, hindi niya napigilan na mangulila sa kanyang yumaong kapatid na babae kaya nangako siya sa sarili na ipagpapatuloy niya ang kanyang planong paghihiganti para rito.
Naging usap-usapan naman sa kumpanya ang pagbubukas ng penthouse ni Joaqui dahil sa bagong internal venture na Silent Monster, kung saan kabilang si Rory sa napiling team.
Unang kliyente ng Silent Monster ang aktor na si Mr. Hwang na mayroong isyu tungkol sa pagkakaroon ng affair sa babaeng mas bata sa kanya.
Sa huli, nakumbinsi ni Joaqui si Mr. Hwang na magsabi ng totoo at dito niya na nalaman na pinoprotektahan lamang ng huli ang kanyang anak.
Nalaman din ni Rory na ang taong nakitang kasama ni Mr. Hwang ay ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na ngayon ay isa nang ganap na babae.
Samantala, muling naalala ni Rory ang masasayang alaala kasama ang kanyang yumaong kapatid nang makita niya ang isang eskinita.
Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.
My Shy Boss: The revenge of the miserable sister
My Shy Boss: The scenes from the past intertwined with the present
My Shy Boss: How to convince a client, the Joaqui way
My Shy Boss: Midnight nostalgia