
Sa ikapitong linggo ng My Shy Boss, biglang dumating ang tatay ni Rory (Park Hye-soo) sa opisina ni Joaqui (Yeon Woo-jin) para maghiganti dahil sa pagkamatay ng kanyang panganay na si Jackie, ngunit nagulat ito nang makita ang isa pa niyang anak na nasa opisina ng CEO.
Inilahad naman ni Rory ang lahat ng sama ng loob niya sa kanyang ama para maintindihan nito ang sakit na kanyang nararamdaman. Nagdesisyon din si Rory na lumisan sa kanilang tahanan dahil sa nakakasakal na pagtrato ng sariling ama.
Sa pag-uusap nina Joaqui at Iza (Geong Seung-yeon), sinabi ng huli sa kanyang kapatid na iiwan lamang siya ni Rory kapag nalaman nito ang totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jackie.
Samantala, hinarap ni Wendel (Yoon Park) ang mga magulang ni Iza at sinabing hindi na matutuloy ang kanilang kasal. Inamin na rin ni Wendel ang lihim na matagal na niyang itinatago sa pamilya ni Joaqui-na siya ang tunay na dahilan kung bakit namatay ang kanilang secretary tatlong taon na ang nakakaraan.
Aksidente naman na narinig ni Rory ang pag-amin ni Wendel at inamin na rin ng huli ang katotohanan sa ama ng una. Humingi naman ng tawad si Joaqui kay Rory para sa mga naging pagkakamali niya noon sa nakatatandang kapatid nito.
Subaybayan ang huling linggo ng My Shy Boss, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.
My Shy Boss: I'm in love with my boss
My Shy Boss: Rory's rival in Joaqui's heart
My Shy Boss: The sibling's nightmare
My Shy Boss: Wendel exposes the truth!
My Shy Boss: Joaqui apologizes to Rory