GMA Logo My Shy Boss
What's Hot

My Shy Boss: Is love in the air for Rory and Joaqui? | Week 6

By Dianne Mariano
Published December 20, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos touts upgrades, improvements to PH airports
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

My Shy Boss


Tila naging mas malapit na sina Joaqui (Yeon Woo-jin) at Rory (Park Hye-soo) sa isa't isa.

Sa ika-anim na linggo ng My Shy Boss, patuloy na pinipigilan ni Joaqui (Yeon Woo-jin) ang kanyang nararamdaman para kay Rory (Park Hye-soo) dahil sa mga nangyari sa nakaraan.

Nailipat naman si Rory sa ibang department ng kumpanya kung kaya't nagkalayo silang dalawa ni Joaqui.

Samantala, tila nagkaroon ng kompetisyon sa pagitan nina Joaqui at Wendel para sa isang project at sinabi ng una na kapag ang team niya ang nanalo ay kailangang ibalik ng huli si Rory sa kanyang team.

Humingi naman ng pabor si Rory kay Joaqui at sinabing nais niyang makita ang huli na magsalita sa harap ng mga tao bago siya umalis sa kumpanya. Nang hatakin ni Rory si Joaqui ay aksidenteng natamaan ng huli ang gripo kung kaya't pareho silang nabasa.

Naalala naman ni Joaqui ang sinabi sa kanya ni Wendel na palagi lamang siyang umaatras sa mga sitwasyon kaya hinalikan niya si Rory.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Joaqui na magsalita sa harap ng maraming tao dahil nandoon si Rory na sumuporta para sa kanya. Nanatili rin si Rory sa tabi ni Joaqui nang magkasakit ito matapos ang presentation.

Nanalo naman sa presentation ang team ni Joaqui at inanunsyo na rin dito ang pagbabalik ni Rory sa Silent Monster.

Nang mag-usap muli sina Joaqui at Rory, sinabi ng huli na hindi niya iiwan ang una at magiging karamay siya nito sa kung ano man ang kanyang mga pagdadaanan.

Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.



My Shy Boss: Neglecting feelings



My Shy Boss: Rory as a health instructor


My Shy Boss: Awkward moments with my mischievous assistant

My Shy Boss: Joaqui overcomes his demophobia

My Shy Boss: Rory takes care of Joaqui