GMA Logo Mylene Dizon
What's Hot

Mylene Dizon on her children joining showbiz: "Ayokong maging driving force 'yung pera"

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 6, 2020 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 2k Filipino children adopted by parents in PH, abroad – NACC
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers
GMA Caps 2025 with Ratings Leadership, Digital Dominance

Article Inside Page


Showbiz News

Mylene Dizon


Mylene Dizon says she'll give her blessing and support if her children with ex-boyfriend Paolo Paraiso will enter showbiz.

Payag ang aktres na si Mylene Dizon kung gusto mang maging artista ng kanyang dalawang anak sa dating niyang nobyo na si Paolo Paraiso.

Ayon kay Mylene, ang sinasabi niya lang sa kanyang mga anak ay dapat hindi nila pasukin ang pag-a-artista dahil sa pera.

“Sa akin, kung ano gusto nilang gawin, okay sa akin lahat,” saad ni Mylene nang makausap ng GMANetwork.com.

“Ang importante lang sa akin is 100% sila kapag may pinasok sila.

“Maski hindi sila pinakamagaling, basta ibigay nila ang lahat, 'yun ang importante sa akin.

“Tsaka siyempre, gusto ko masaya sila. Ayoko kasi na ang driving force is pera.”

May hilig sa photography ang panganay ni Mylene na si Tomas kaya naman sa palagay niya ay mas may tsansang ang bunsong si Lucas ang pumasok sa showbiz.

Kuwento ni Mylene, titingnan niya kung mapapapayag siya ni Tomas na magkaroon ng fitness vlog. Ibinabahagi ni Mylene sa kanyang Instagram account ang kanyang home workout routine habang naka-quarantine.

“Iniisip ko lang kasi 'yung commitment, 'di ba? You will have followers, you would have people who are subscribing to your channel because of your fitness [videos],”

“Eh paano kung bumalik na tao sa normal tapos wala na kaming oras na gumawa ng video? I don't want to leave people naman hanging.

“Siguro kung ma-convince ako nung anak ko because he wants us to do it. We'll see.”

Panoorin ang exclusive interview ni Mylene:

Kabilang si Mylene sa mga bida ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pansamantalang hindi mapapanood dahil sa community quarantine.

Ang Korean drama na Strong Girl Bong-soon ang ipinapalabas sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.