
Inamin na ng dating Love Before Sunrise actress na si Nadia Montenegro na ang ama ng bunso niyang anak na si Sophia ay ang aktor na si Baron Geisler.
Matatandaan na sa interview ni Baron kay Ogie Diaz sa vlog nito ay inamin ng aktor na may nauna pa siyang anak. Hindi na binanggit ng aktor kung sino ang nanay ngunit aniya, hindi niya nasubaybayan ang paglaki nito. Nagkita lamang umano sila nang mag-reach out siya sa social media.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Hulyo 19, sinabi ni Nadia na matagal na niyang inamin na si Baron ang ama ng kaniyang bunsong anak.
Ngunit paglilinaw ni Nadia, “Sophia is turning 18 in August and that's why I'm here, it's not for views, not to trend because that's one thing I hate, but to put an exclamation to everything.”
“Hindi ko kinakalat ito para mag-entertain or para pagpiyestahan ninyo ang buhay ko, buhay ng anak ko. I want this to end because my daughter is turning 18 soon. And she does not need to come out of this world and answer questions for her mother,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ng aktres ay nagsalita na siya dahil pinagpipiyestahan na naman umano ang nagawa niya 17 years ago. Nilinaw rin niyang hindi niya tinatawag na pagkakamali ang pagkakaroon ng anak kay Baron at sinabing, “Sophia is one of the most beautiful girl you can ever meet. Not just sa mukha niya, pati puso niya.”
Kuwento ni Nadia ay lagi naman nagkakausap sina Baron at Sophia sa social media. Sabi pa ng aktres ay pinangakuan ang kaniyang anak na magkikita sila ng ama pero walang makakaalam.
“You came out in an interview all of a sudden without even asking us? Even if you don't mention my name, sa tingin mo hindi kami nabulabog? Did you even think for a while what would happen to your daughter?” sabi ni Nadia.
Ayon kay Nadia ay sobrang naapektuhan ang buhay ni Sophia lalo na pagdating sa school, sa mga kaibigan at mga bully. Aniya, may isang nag-post pa ng picture ni Baron ng nakakulong sa student council page ng school nila na kalakip ang tanong na 'Kaninong tatay 'to?'
Pagpapatuloy pa niya ay kaya niyang ikuwento ang sarili niyang buhay at sinabing hindi niya kailangan ng spokesperson. Karugtong nito, sinabi rin ni Nadia, “I've always faced my battles, I've always fought them head on. Why? Because I pray. I do things not because I wanna hurt people, I do things now because I want people to learn from my mistakes.”
“I'm putting an end to this now. So yes, I'm happy, I have a child named Sophia, and she does not need anything else in this world because she's complete,” pagtatapos ng aktres.