
Muling nagbigay ng good vibes ang Love, Siargao stars na sina Alden Richards at Nadine Lustre online.
Sa Instagram, nag-iwan ng nakakaaliw na komento si Nadine sa isang post ng Asia's Multimedia Star, kung saan ipinakita nito ang kanyang bike habang nakasuot ng cycling gear.
"No caption needed…," isinulat ni Alden sa caption.
"Loko mo kami eh.. bakit may caption pa rin," komento ni Nadine.
Agad namang nag-react ang fans at followers sa nakakatuwang biruan nina Nadine at Alden, at napuno ng laughing emojis ang comments section.
Marami rin ang natuwa sa nabubuong closeness ng dalawa, na tila nagbibigay-daan para magkaroon sila ng ganitong klaseng biruan online.
Mapapanood sina Alden at Nadine sa Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m. sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'