GMA Logo nadine lustre
Source: @vivafilms on Instagram
What's Hot

Nadine Lustre reacts to 'Horror Queen' tag

By Nherz Almo
Published November 19, 2024 5:46 PM PHT
Updated November 20, 2024 1:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

nadine lustre


Nadine Lustre: "Parang I feel like it's too early."

Kung si Nadine Lustre ang tatanungin, sa palagay niya ay masyado pang maaga para tawagin siyang “Horror Queen.”

Natanong siya tungkol dito matapos ang special screening ng pelikula niyang Nokturno kamakailan. Ito ang ikalawang horror movie ni Nadine, matapos ang blockbuster Metro Manila Film Festival hit movie na Deleter noong 2022.

“I'm happy and honored,” sabi ni Nadine tungkol sa “Horror Queen” tag. Pero parang two film pa lang naman kasi. Parang I feel like it's too early. I don't know. Pero kung gusto ninyo akong tawaging Horror Queen, e di okay. Thank you!”

Sa kasalukuyan, ang bansag na ito ay ginagamit kay Kris Aquino, na bumida na sa ilang blockbuster horror movies.

Samantala, bagamat hindi nakapasok ang Nokturno sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon, nagkaroon namang maipalabas ito via streaming platform ngayong 2024.

Ayon kay Nadine, nae-enjoy niya ang gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

Kuwento niya, “Kasi, ako talaga, favorite genre ko talaga is horror. Aside from manonood ako ng horror movies, matatakot ako sa horror movies, atleast, this time kasama na ako sa istoryang yun.

“At saka ang fun niya kasi ang interesting ng process niya. Parang kahit naman yung usual process ng filmmaking, like for Nokturno, maraming prosthetics.

“Gustung-gusto ko rin yung kapag sinasabi ni Direk na wala kaming kabatuhan sa eksena. Alam mo, yung mga eksena na ganun, yun yung tinatakot namin ang sarili namin just to bring the scene alive.

“Sobrang interesting talaga siya sa akin and I really love the setting. It's a normal setting--Deleter was in an office, ito naman sa bahay. So, parang gustung-gusto ko nata-transform siya into something creepy na medyo eerie.”

At dahil magkasunod na horror movie ang ginawa ni Nadine, aminado siya na naging conscious siya sa kung paano niya gagampanan ang karakter niya sa Nokturno na si Jamie.

Paliwanag niya, “Actually, may mga references na binigay si Direk na movies, na puwede naming pagkuhanan ng ideas for Nokturno. Kasi, yun nga, from Deleter 'tapos Nortuno, magkasunod lang siya ng taon.

“I think, in a way, parang kailangan ko ring humanap ng way para maging magkaiba si Lyra at saka si Jamie. Yun, as in talagang inalala ko ang nuances ni Lyra at inisip ko, 'Okay, ito yung mga hindi ko puwedeng gawin this time around.'”

Kasama ni Nadine sa Nokturno sina Eula Valdes, Bea Binene, Wilbert Ross, Ku Aquino, at JJ Quilantang. Ang pelikulang ito ay idinerehe ni Mikhail Red, na direktor din ng Deleter.

Samantala, narito ang ilang mga kinatakutang horror movies: