GMA Logo Eula Valdes in Forever Young
Photo by: nancysoriano24 (IG); eulavaldes (IG)
What's on TV

Eula Valdes sa kontrabida role sa 'Forever Young': 'Isang ambisyosa na politiko'

By Aimee Anoc
Published October 1, 2024 6:07 PM PHT
Updated October 4, 2024 8:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes in Forever Young


Panibagong kontrabida role ang gagampanan ni Eula Valdes sa upcoming afternoon series na 'Forever Young.'

Paniguradong kaiinisan ng manonood ang role ng beteranang aktres na si Eula Valdes sa upcoming afternoon series na Forever Young.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Eula na na-excite siyang gumanap bilang isang gobernador sa serye kung saan makikilala siya bilang Esmeralda Vergara.

"Isang ambisyosa na politiko. Selfish at greedy. Ayaw niyang umalis sa kanyang puwesto. Power-hungry at sakim. Hindi siya makuntento sa kung ano ang mayroon siya. Gusto niya more, more, more," paliwanag ni Eula sa kanyang kontrabida role.

Ikinuwento rin ni Eula ang reaksyon nang mabasa sa unang pagkakataon ang kuwento ng Forever Young.

"Noong nabasa ko 'yung script natuwa ako dahil maganda ang istorya. Tumatalakay rin ito sa kapansanan ng isang tao. Makikita mo iba't ibang klaseng characters dito. Nagustuhan ko 'yung istorya at pagkakasulat," sabi ng aktres.

Nang tanungin kung ano ang dapat na abangan ng manonood sa serye, aniya, "Parang wala pa yata akong napanood o nalaman na palabas na ganito. Abangan ninyo dahil kakaiba ito."

RELATED GALLERY: The cast of 'Forever Young' during their pictorial

Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn Mikaell), isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Sa Forever Young, makakasama ni Eula sina Euwenn Mikaell, Michael De Mesa, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.

Abangan ang Forever Young, simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang teaser ng Forever Young sa video na ito: