
Ibinahagi ng dating Endless Love actress na si Nadine Samonte ang una nilang family photo nila kasama si Baby Harmony Saige Chua.
Sa Instagram, makikitang masayang kasama ni Nadine ang asawang si Richard Chua at ang dalawang anak nilang sina Heather Sloane at Austin Titus.
Ayon kay Nadine, masaya siyang nakauwi na sa kanilang bahay matapos na manganak noong November 30.
"So happy to be home. Our first family picture with Harmony. Love you my [family]," sulat ni Nadine.
Inamin noon ni Nadine na mayroon siyang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) habang ipinagbubuntis ang pangatlong anak.
Noong Nobyembre, nagpunta sa ospital si Nadine matapos na makaranas ng preterm contractions sa kanyang ika-33 linggo ng pagbubuntis.
Samantala, tingnan ang masayang pamilya ni Nadine Samonte sa gallery na ito: