
Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ni Rowena, na buong pusong pinatuloy ang kaibigang si Melanie sa paupahan niyang kuwarto, matapos na palayasin ang huli sa boarding house nito.
Pagkalipas ng ilang buwan, hindi pa rin nagbabayad ng upa si Melanie. Dito, nadiskubre ni Rowena ang tunay na pag-uugali ng kaibigan. Hindi na nagbabayad ng upa, nag-aaksaya pa ito ng tubig at kuryente. Hindi rin marunong mahiya si Melanie sa pagkuha at pag-ubos ng mga paninda ni Rowena.
Bibigyang-buhay ni Nadine Samonte ang kuwento ni Rowena sa Wish Ko Lang: Abusada, habang gaganap naman si Karen delos Reyes bilang Melanie.
Makakasama rin nina Nadine at Karen sa episode na ito sina Lucho Ayala (Warren), Patricia Coma (Nicole), Beverly Salviejo (Teresa), at Yanyan de Jesus (Iris).
Huwag palampasin ang Wish Ko Lang: Abusada ngayong Sabado, June 17, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG MASAYANG BUHAY NI NADINE SAMONTE SA GALLERY NA ITO: