
Diretsahang sinagot ng nagbabalik-showbiz na si Nadine Samonte sa Fast Talk with Boy Abunda ang isyu ng umano'y alitan nila ng kapwa aktres na si Yasmien Kurdi.
Matatandaan na magka-batch noon sina Nadine at Yasmien sa season one ng Kapuso reality-based artista search na StarStruck kung saan umano nagsimula ang kanilang inggitan.
Tanong ng TV host na si Boy Abunda kay Nadine, “Totoo ba 'yun na there are times that you actually didn't like each other?”
Sagot naman ng aktres. “No. That's not true,”
Paglilinaw pa ni Boy, “So you have no problems with Yasmien?”
“No,” mabilis na sagot ni Nadine.
Paliwanag ng aktres, “Akala nila na nag-iinggitan kami, nagta-trashtalk kami sa isa't isa pero no.
Dagdag pa niya, “Actually 'yung mga tao sa paligid namin sila 'yung nagpipilit na siraan kami sa isa't isa.”
Sa ngayon ay may mga sariling pamilya na sina Nadine at Yasmien ilang taon matapos ang kanilang naging pagsali sa StarStruck.
SILIPIN ANG NAGING BUHAY NI NADINE SA LABAS NG SHOWBIZ DITO:
Samantala, muli namang magkakasama sina Nadine at Yasmien sa isang Kapuso series. Ito ay ang upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.