
Ngayong 2023, balik teleserye na ang StarStruck alumna na si Nadine Samonte.
Mapapanood siya sa upcoming mystery drama series na The Missing Husband, kung saan isa sa muli niyang makakatrabaho ay ang kasabayan niya sa StarStruck Season 1 noon na si Yasmien Kurdi.
Sa isang panayam, ibinahagi niyang excited na siyang makatrabaho ulit si Yasmien matapos ang halos sampung taon.
Ayon sa aktres, “Alam mo yung magiging komportable ka sa set kasi alam mo na may nakasama ka before na nakatrabaho mo.”
Sa poll na inilabas ng GMANetwork.com kamakailan lang, si Nadine ang nakakuha ng mataas na porsyento kaugnay ng tanong sa viewers at netizens kung sino ang inaabangan nila sa upcoming series na The Missing Husband.
Sagutan at silipin ang poll sa ibaba:
Noong November 2021, ipinanganak niya ang kaniyang ikatlong baby na si Harmony Saige Chua.
Si Nadine ay ikinasal sa businessman na si Richard Chua noong 2013, at bukod kay baby Harmony, mayroon pa silang dalawa anak, sina Heather at Titus.
Sabay-sabay nating abangan ang pangmalakasang drama na The Missing Husband, mapapanood sa GMA Afternoon Prime, ngayong 2023.
SILIPIN ANG BUHAY NI NADINE SAMONTE SA LABAS NG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: