
“No (Mikee: Walang regret at all?), not at all.”
Ayan ang pahayag ng Kapuso star na si Nadine Samonte-Chua nang tanungin ni Mikee Quintos kung mayroon ba siyang pagsisisi sa pamamahinga sa showbiz nang halos isang dekada para sa pamilya.
Bagaman may mga “moments” na nagdalawang-isip si Nadine, aniya ay nangibabaw pa rin ang kaniyang pagmamahal sa asawa at tatlong anak.
“Siyempre, may ganoon,” ani Nadine, “pero mas gusto ko 'yung family ko eh. Mas love ko eh, so no [regrets].”
Full support naman ang asawa ni Nadine na si Richard Chua sa pagbabalik ng aktres sa showbiz.
Ayon kay Richard, hindi naging mahirap sa kaniya ang desisyon ni Nadine na bumalik sa showbiz.
“I never stopped her from what she wanted to do ever since,” saad ni Richard.
Dagdag pa nito, “Kung anong gusto niya, support lang ako.”
Matatandaang namahinga si Nadine Samonte sa showbiz upang bigyang oras ang pamilya at bumalik lamang sa industriya noong nakaraang taon para sa 2023 GMA Afternoon Prime drama, The Missing Husband.
Nadine Samonte's life outside of showbiz
Paliwanag ni Nadine sa isang interview, “Simula nung nabuntis ako sa panganay ko, I wanted to spend more time with her tapos biglang dumating si pangalawa. I want to spend more time with the family.”
Ngayon ay tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng karera ni Nadine sa showbiz sa pagganap sa newest GMA Afternoon Prime series na Forever Young kasama sina Euwenn Mikaell, Alfred Vargas, Rafael Rosell, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Para naman sa mga maaanghang na chika tuwing hapon, abangan si Mikee Quintos kasama ang mga new generation of internet foodies na sina Hazel Cheffy, Chef Ylyt, at Kuya Dudut sa Lutong Bahay, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG MGA LUTONG BAHAY CHEFS SA GALLERY NA ITO: