
Hindi maiwasang makaramdam ng pressure ng mahusay na aktres na si Nadine Samonte sa bago niyang serye na Forever Young.
Kuwento ni Nadine, masaya at nagpapasalamat siya na mapabilang sa inspirational drama na ito ng GMA na, aniya, ay maghahatid ng kakaibang kuwento sa manonood at talaga namang kaabang-abang.
Sa upcoming afternoon series, makikilala si Nadine bilang ina ni Rambo, na gagampanan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Pero bukod sa excitement, may pressure ding nararamdaman ang aktres dahil sa mga bigating makakatrabaho niya sa serye tulad nina Michael [de Mesa] at Eula Valdes.
"Medyo nakaka-pressure, nakakakaba, knowing Mr. Michael and Ms. Eula. Pero nakakatuwa, nandoon 'yung excitement na gagalingan ko 'to," sabi ni Nadine.
Bukod sa dalawang batikang aktor, kinakabahan din si Nadine na makaeksena si Euwenn na, aniya, ay malalim, matalino, at magaling na batang aktor.
Muli ring makakatrabaho ni Nadine sa Forever Young ang aktor at politician na si Alfred Vargas, kung saan gaganap silang mag-asawa.
Ayon kay Nadine, komportable siyang makatrabaho si Alfred. "Alam kong magaling din [s'ya] so hindi na ako masyadong mahihirapan kapag kaeksena ko si Alfred."
Makakasama rin ni Nadine sa cast ng Forever Young sina Rafael Rosell, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: