
Naging usap-usapan ang pag-volunteer ni Herlene Budol na maging ninang ng anak ni Bea Borres, at pagtanggi nito sa kaniya kamakailan sa isang vlog. Kaya naman, tanong ng marami, may tampo nga ba ang actress-beauty queen sa social media influencer?
Kasama si Kevin Dasom sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 22, nilinaw ni Herlene ang issue.
Pinaliwanag ni Herlene kung bakit nga ba siya nag-volunteer, “Gusto kong magninang kasi parang kulang siya ng protector. Kulang siya ng taong hindi man 'yung maga-guide, 'yung puprotektahan siya with or without camera bilang isang kaibigan.”
Nilinaw din ni Herlene na hindi naman siya nasaktan. Sa halip, mas napahiya umano siya sa mga taong nanonood.
“Actually hindi ko nga siya naisip hanggang sa paulit-ulit na lang may nagta-tag sa 'kin, dapat hindi ka pala nagbo-volunteer kapag mga ganu'ng klase ng bagay,” sabi ni Herlene.
Dagdag pa ni Herlene, “Ako, hindi ako naging against sa naging sagot niya sa 'kin, hindi sumama ang loob ko, mas naintindihan ko nga 'yun e.”
Samantala, sa isang Facebook post, sinagot din ni Bea ang naturang isyu at nilinaw na walang tensyon sa kanila ng aktres. Nilinaw din niyang walang ibang ibig sabihin ang kaniyang pagtanggi.
“So what if I 'rejected' Ate Herlene as a ninang, it's not that serious and deep,” sabi ni Bea.
Hindi rin daw niya inaasahan na magiging isyu ito sa netizens.
Ipinangako naman ni Herlene sa naturang vlog na kahit ano ang mangyari ay poprotektahan niya si Bea.
“Alam mo kahit hindi tayo close masyado, kaya kong bugbugin kung sino manloloko sa 'yo. Parang ganon 'yung feeling. Parang hindi mo deserve,” sabi ni Herlene.
RELATED: Herlene Budol and Kevin Dasom ooze chemistry at the beach