GMA Logo Nathan Garcia, Robbie Jaworski, Jeo Ong, PBB Collab 3 0
What's Hot

Nathan Garcia, Jeo Ong, other 'PBB Collab 3.0' housemates, emosyonal sa pagpapaalam ni Robbie Jaworski

By EJ Chua
Published November 21, 2026 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PINOYS AT SEA: Putting seafarers' mental health and family well-being first at Seafarers' Family Day 2026
Agri damage due to El Niño breaches P10B
Bringing holiday memories to life by the sea

Article Inside Page


Showbiz News

Nathan Garcia, Robbie Jaworski, Jeo Ong, PBB Collab 3 0


May goodbye announcement at hugs si Robbie Jaworski sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' housemates.

Nabalot ng emosyon ang Bahay Ni Kuya sa announcement ni Robbie Jaworski tungkol sa nalalapit niyang pag-alis.

Nakatakda nang bumalik sa outside world ngayong weekend si Robbie na isang houseguest sa Big Brother house.

Sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 clips na mapapanood sa social media account ng GMA Network, ipinasilip ang mga eksena, kung saan nagkaiyakan ang housemates dahil dito.

Ilang housemates ang labis na nalungkot at tila hindi na napigilan ang pagtulo ng kanilang luha dahil sa sobrang mamimiss nila si Robbie.

Kabilang sa mga naiyak ay sina Jeo Ong, Bela Arcal, Shea Valerio, at ang itinuturing na bunsong kapatid ni Robbie sa loob ng Bahay ni Kuya na si Nathan Garcia.

Ano pa kaya ang mga eksenang masasaksihan sa pag-alis at pagpapaalam ni Robbie sa housemates?

Ang houseguest na si Robbie ay anak ng former Asian Games gold medalist na si Mikee Cojuanco-Jaworski at Dodot Jaworski na isang politician, at kamakailan lang ay bumisita ang kanyang mommy sa Bahay Ni Kuya.

Siya ay isang houseguest at nakilala sa reality competition bilang Dedicated Son ng Pasig.

Patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., tuwing Sabado, 6:15 p.m., at 4:55 p.m. naman tuwing Linggo.

Silipin ang moments ng housemates bago sila pumasok sa Bahay Ni Kuya sa gallery na ito: