GMA Logo herlene budol national costume
Source: herlene_budol (Instagram)
What's Hot

National costume ni Herlene Budol, inspired sa Higantes Festival ng Angono, Rizal

By Jimboy Napoles
Published July 13, 2022 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol national costume


Bukod sa Higantes Festival, isang sikat na beauty queen din ang naging inspirasyon ni Herlene Budol para sa kanyang national costume. Alamin ang detalye DITO:

Tatlong araw bago ang Binibining Pilipinas 2022 National Costume Fashion Show, ipinakita na ang creative photos ng mga kandidata suot ang kanilang mga national costumes.

Isa na rito ang kay Binibining Pilipinas candidate number 8 at Kapuso comedienne na si Herlene Budol a.k.a. "Sexy Hipon," na inspired sa Higantes Festival ng kanyang hometown na Angono, Rizal ang kanyang napiling national costume.

Makikita sa nasabing costume ni Herlene ang higanteng babae na ayon sa designer nito ay inspired kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na minsan nang bumisita sa bayan ng Angono.

Ang hand painting naman dito ay nagpakikita ng kasaysayan ng bayan habang ang kulay ginto at kahel na bodysuit ni Herlene ay simbolo raw ng kulay ng isang hipon na siyang bansag sa kanya.

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Samantala. kamakailan ay nag-trending din si Eat Bulaga host Paolo Ballesteros dahil sa kanyang malikhaing disenyo na 'tikbalang'-inspired national costume para sa Binibining Pilipinas candidate na si Graciella Lehmann.

Gaganapin ang nasabing fashion show ng national costume sa July 15 at sa July 30 naman ang inaabangang coronation night.

SILIPIN ANG JOURNEY NI HERLENE SA NASABING BEAUTY PAGEANT SA GALLERY NA ITO: