GMA Logo Nawat Itsaragrisil Praveenar Singh
Photo source: @themissuniverseph
What's Hot

Nawat Itsaragrisil at Miss Universe 2025 1st runner-up Praveenar Singh, bibisita sa Pilipinas

By Ron Lim
Published April 28, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Navotas landfill fire containment efforts Intensify with DENR, partners
Binibining Pilipinas 2026 candidates attend 'The Devil Wears Prada 2' premiere
Man shot dead inside internet café in Cebu; daughter hurt

Article Inside Page


Showbiz News

Nawat Itsaragrisil Praveenar Singh


Pupunta sa bansa si Nawat Itsaragrisil at Miss Universe 2025 first runner-up Praveenar Singh para sa Miss Universe PH crowning.

Mas espesyal ang paparating na Miss Universe Philippines coronation night dahil dadalo ang isang representative mula sa Miss Universe organization at ang kasalukuyang Miss Universe first runner-up.

Sa Instagram, inanunsiyo ng Miss Universe Philippines na bibisita sa bansa ang vice president of Miss Universe (Asiana) na si Nawat Itsaragrisil at ang Miss Universe 2025 first runner-up na si Praveenar Singh sa bansa. Darating sila sa May 1 at tatagal ang kanilang bisita hanggang May 3.

Inanyayahan ng Miss Universe Philippines organization ang mga Pilipino na bigyan ng “warmest Filipino welcome” ang dalawa.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Makikita nila Nawat at Praveenar ang Miss Universe PH candidates na iba't ibang aktibidad na ang hinarap bago ang coronation night. Nitong nakaraang linggo lamang ay binisita nila ang Misamis Occidental para bisitahin ang mga beach ng probinsya, pati na rin ang Sapang Dalaga waterfall at ang Mount Malindag.

Related gallery: Miss Universe PH delegates explore Misamis Occidental

Naging parte rin ang mga kandidata ng launch ng yacht service ng Aqua Boracay, kung saan ginanap din ang Miss Universe Philippines swimsuit show.

Bag ito ay nagkaroon din ng press presentation matapos ang parade sa SM Mall of Asia Arena.

Kamakailan, pinakita rin ng mga delegada ang kanilang national costumes na sinusunod ang tema na “water”.

Related gallery: Miss Universe PH candidates dazzle in their national costumes

Gaganapin ang Miss Universe Philippines coronation night sa May 2 sa SM Mall of Asia Arena.