What's on TV

Neil Ryan Sese, gaganap bilang 'catfish' sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published November 18, 2020 2:34 PM PHT
Updated November 20, 2020 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DA approves SRA plan for sugar export to US
Sinulog 2026: 'Traslacion' peacekeepers sent off
Pagbabago sa serbisyong medikal sa Silvino Lubos matapos ang 8 na taon | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Neil Ryan Sese


Tampok si Neil Ryan Sese bilang isang "catfish" o taong nanlilinlang online sa episode ng '#MPK' ngayong parating na Sabado.

Ang "catfishing" ay isang uri ng panlilinlang online kung saan gumagawa ng pekeng identity ang isang tao para makapanloko ng kausap niya online.

Isang istorya ng catfishing ang tampok sa episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.

Neil Ryan Sese on MPK

Gaganap ang aktor na si Neil Ryan Sese bilang si Edgar, isang taong nagtatago sa likod ng isang pekeng online profile.

Makikilala niya si Rica, na gaganapan ni Jazz Ocampo, isang high school student na galing sa isang broken family.

Magsisimulang mag-usap sa pamamagitan ng chat ang dalawa.

Sa kanilang pagkikita, ikagugulat ni Rica na iba pala ang inaakala niyang kausap niya araw-araw sa chat!

Ano nga ba ang balak ni Edgar kay Rica?

Alamin sa episode ng pinamagatang "Don't Chat With Strangers" ngayong Sabado, November 21, 8:15 pm sa '#MPK.'

IN PHOTOS: Ang sinungaling na chatmate sa #MPK