
Malayo na ang narating ng former actress na si Neri Naig.
Sa angking kasipagan at pagiging wais sa pag-iipon ay unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niya para sa kanilang pamilya ng band vocalist na si Chito Miranda.
Kamakailan lang, naging laman ng balita si Neri matapos makabili ng sariling lupa at buong pagmamalaki itong ibinahagi ni Chito sa social media.
Photo taken from Neri Naig's Instagram account
Sa Instagram post naman ni Neri kahapon, October 27, ikinuwento niya ang mga nagbukas na opportunities para sa kanya sa simpleng pagbebenta niya ng tuyo.
Aniya, “Hindi na naman ako makatulog. Nangangarap tungkol sa aming dream house. Ang dami kong gustong ikwento pero alam ko tulog na kayong lahat, hehe!
“Kahit ilang tuyo pa ang kailangan kong ibenta sa buong buhay ko para sa mag-ama ko, di ko pagpapalit yun. Dyan ako nakilala bilang manunuyo, hehe! At dahil sa tuyo, nagbukas eto sa maraming oportunidad sa pagnenegosyo.
“Marami na ang gustong makipag-partnership sa akin. Halos puro babae! Mga Founder at CEO ng mga sarili nilang kumpanya. Naniniwala sila na ako ang kanilang perfect tindera! Haha!”
Sa sumunod na bahagi ng kanyang post, malaki ang pasasalamat ni Neri sa kanyang nanay na nagturo sa kanya kung paano magbenta.
Paliwanag niya, “Buti na lang at sa murang edad ay naturuan na ako ng nanay ko kung paano maglako at magbenta ng mga paninda! Sa nanay ko natutunan yun!
“And yes, naglalako po ako ng mga ulam. At naranasan ko rin pong kumuha ng literal na kaning baboy sa mga kapitbahay. Iniisa isa ko po yun at nilalagay sa timba.”
Dagdag pa niya,“Ayan ang naging training ko at never kong kinahiya. Hindi man ako palaging nakakapaglaro sa daanan, pero palagi mo naman akong makikita na may bitbit na paninda o timba na puno ng kaning baboy.
“Tuyo, suka, kubre kama, pantulog, accessories, gowns, kape, lupa, at kung ano ano pa, hindi ako mapapagod magbenta. Dahil dito ako natuto kung paano maging negosyante. Be proud!”
Why Chito Miranda thinks online schooling is best for his son Miggy
Neri Naig expresses her full support for husband Chito Miranda