GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
What's Hot

Chito Miranda, namangha sa pagbili ni Neri Naig ng sariling lupa

By Bianca Geli
Published October 8, 2020 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


Chito Miranda on wife Neri Naig, "For me, sobrang proud lang talaga ako."

Kahit halos anim na taon nang kasal sina Chito Miranda at Neri Naig ay namamangha pa rin si Chito sa pagiging wais ng asawa niya sa pag-iipon.

Ibinahagi ni Chito ang pagbili ni Neri kamakailan lang ng sarili nitong lupa. "Bumili si Neri ng 6,000 square-meter na lupa...langya."

Iklinaro ni Chito na mayroon din siyang sariling income at ipon. "Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman 'yung mga gusto kong baril."

Si Chito ay may gun collection.

"Pero di ako makakabili ng 6,000 sqm na lupa."

"She did this, after niya bilin 'yung lupa dito sa village na gusto ko, at 'yung condo niya sa Pico de Loro."

Kaysa mainggit sa ikinikita ng asawa ay mas pinipili ni Chito na maging supportive at proud sa asawa. "Tawagin n'yo nang pagmamayabang dahil ipinagmamalaki ko 'yung ginagawa ng asawa ko. O sabihin n'yo nang naiinggit ako dahil mas malaki na 'yung income niya compared to what I was making, even before the lockdown started...ok lang."

"For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements niya 'yan...not mine), and instead na inggit, I'm honestly inspired by what she is doing."

Dagdag ni Chito, nakapag-ipon si Neri mula sa mga negosyo nito. "Katas 'yan ng tuyo at kape...at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop."

"And recently, nakabenta siya ng 15 na lupa in less than a week...by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company."

"All this was done online."

Dinipensahan din ni Chito ang asawa sa mga nagsasabi na ginamit lamang ni Neri ang pagiging artista nito sa negosyo.

"At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman 'yung umuunlad, at dahil artista kasi siya...ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka 'di lang din nila nabalitaan 'yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pang-deliver ng tuyo) at 'yung isa naman na nakabili ng townhouse."

"Hindi artista 'yung mga 'yun, and online selling lang din 'yung ginawa nila...pero t*ngina, sobrang sipag nung mga 'yun."

Nabanggit din ni Chito na hindi dapat ikahiya ang pagnenegosyo online. "Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan?"

"Mahihiya ka ba na panay benta mo sa FB at IG, pero may townhouse ka naman?"

"Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan 'yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din 'yung ginagawa nila."

Nagsisilbi raw na inspirasyon si Neri para kay Chito, "Ako honestly, na-inspire na din ako gawin 'yung ginagawa ng asawa ko...actually, gusto ko siyang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe!"

Related content:
Chito Miranda, inalala ang pagpapa-cute noon kay Neri Naig