GMA Logo Neri Naig sinalo ang salon
Celebrity Life

Neri Naig, sinalo ang isang salon para di mawalan ng trabaho ang staff

By Kristian Eric Javier
Published September 6, 2022 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Neri Naig sinalo ang salon


Sa pagsalo ni Neri Naig ng magsasarang salon ay nagkaroon siya ng panibagong negosyo at mga taong natulungan.

Hindi naging biro ang epekto ng pandemya lalo na sa mga negosyante at marami sa mga ito ay napipilitang magsara. Isang salon ang muntik na rin magsara pero dahil sa pagsalo ng wais na misis na si Neri Naig, naisalba niya ito at natulungan ang mga staff na manatili sa mga trabaho nila.

Sa isang Instagram post, ikinuwento ni Neri kung paano siya biglang nagkaroon ng salon.

Ayon sa businesswoman, nagpasalon lang siya noong December at nalaman sa mga staff nito na maaari nang magsara ang salon.

“Mawawalan na raw sila ng trabaho kase magsasara na ang salon na 'to. Baka kung pwede raw ako nang sumalo ng salon para di sila mawalan ng work,” sabi nito.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Ayon kay Neri, nakipagtawaran siya sa may-ari ng salon hanggang sa nagkasundo sila sa presyong kaya lang nya ilabas at di nagtagal ay nagbukas na ito sa bagong pangalan.

“Kaya ayan may @extraordinerisalon salon na ako!” sambit ni Neri.

Sinabi rin niya sa post na sa isang mall lang muna sa Tagaytay ang branch ng ExtraordiNeri Salon, pero ibinahagi rin niya ang plano magpatayo sa ibang lokasyon.

“Nag iisip ako baka pwede sa Nuvali? Dasma?” sabi nito.

Ibinahagi rin niya ang kagustuhan na buksan sa pagpa-franchise ang salon “para sa mga WAIS na gustong magkaroon ng sariling negosyo.”

“Paramihin natin ang @EXTRAORDINERIsalon kung saan MURA ang MAGPAGANDA. Tara naaaaa!” dagdag pa nito.

Kamakailan lang, ibinahagi ng asawa nito at frontman ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda kung gaano ito ka-proud sa naipundar nitong rest house at negosyo.

Ayon kay Chito ay pinag-ipunan at iginapang daw ni Neri ang pagpapatayo ng apat na villas sa nabili nitong lupa upang paupahan.

Sinabi rin ng OPM artist na umabot ng apat na taon bago nila binuksan ang Miranda's Resthouse.

SAMANTALA TINGNAN ANG RESTHOUSE NG MAG-ASAWANG CHITO MIRANDA AT NERI NAIG SA GALLERY NA ITO: