
Malapit nang mapanood sa GMA ang bagong serye ng character actress na si Jo Berry na may pamagat na Little Princess.
Naglabas na rin ang Network ng teaser ng nasabing soap opera na tungkol sa "munting prinsesa with biggest dreams."
Na-excite ang fans at followers ni Jo lalo pa noong ipinakita niya ang official promotional poster para sa pagbabalik niya sa telebisyon kung saan suot niya ang magarbong ruffled sheer gown at may graphics na korona pa.
Sa comments section, hindi lang Pinoy fans ni Jo ang nagpaabot ng pagbati para sa kanya kundi na rin ang kanyang fans abroad, partikular na sa South America kung saan ipinalabas ang mga dati niyang primetime drama na Onanay at The Gift.
Nagpakita rin ng suporta ang kanyang Little Princess co-stars tulad nina Rodjun Cruz, Jestoni Alarcon, at Geneva Cruz sa muling pagbibida niya sa telebsyon.
Makakasama rin ni Jo sa Little Princess sina Juancho Triviño, Angelika Dela Cruz, Geneva Cruz. Jenine Desiderio, Lander Vera-Perez, Chuckie Dreyfus, Tess Antonio, Therese Malvar, Kaloy Tingcungco, at Gabrielle Hahn.
Narito ang pasilip sa bagong role ni Jo: