GMA Logo Jasmine Curtis-Smith, Alden Richards
What's on TV

'The World Between Us' viewers, hinangaan ang tapang ng pag-iibigan nina Louie at Lia

By Aimee Anoc
Published August 5, 2021 7:45 PM PHT
Updated August 6, 2021 9:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, Alden Richards


Sang-ayon ka rin ba sa pagtatanan nina Louie at Lia?

Umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang pagtatanan nina Louie at Lia sa The World Between Us.

Marami ang humanga sa tapang ni Lia (Jasmine Curtis-Smith) na ipaglaban ang pag-ibig kay Louie (Alden Richards) kahit na ang kapalit nito ay ang pagsuway niya sa kanyang ina.

Noong Martes, kapwa sinunod na nina Lia at Brian ang sigaw ng kanilang mga puso at napagdesisyunang magtanan.

Nakahanap ng matutuluyan ang dalawa sa tulong na rin ng kanilang kaibigan. Walang anumang kagamitan ang bahay na kanilang tinutuluyan kaya naman unti-unting bumili ng mga kagamitan ang dalawa.

Hindi naman napigilan ng netizens na mag-iwan ng komento tungkol sa mga tagpong ito.

Ngayong nasa pangangalaga na ulit si Lia ng kanyang pamilya, tuluyan na nga bang magpapaalam si Louie sa pag-ibig nito?

Patuloy na subaybayan ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

Alamin ang cast ng The World Between Us sa gallery na ito: