
Patuloy na pinag-uusapan ngayon online ang trailer ng kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice.
Maraming netizens ang agad na “na-inspire” sa pasilip ng bagong sports drama series na ito ng GMA Network, na pagbibidahan ng dalawang mahuhusay na artista ngayon na sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Mula sa mga lumikha ng unang sports drama series ng GMA na Bolera, iikot ang kuwento ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro na maging isang kampeon.
Sa 45-second trailer, mapapapanood kung paano nagsimulang mangarap si Ponggay (Ashley) na maging isang figure skater sa kabila ng kapansanan nito.
Ipinakilala na rin ang batikan at mahuhusay na mga aktor na sina Amy Austria at Lito Pimentel na gaganap bilang mga magulang ni Ponggay na sina Libay at Ruben. Gayundin, ang paghahanap ni Enzo (Xian) kay Ponggay.
Umani ng iba't ibang papuri mula sa netizens ang trailer ng Hearts On Ice kung saan anila ay "inspiring, unique, at kaabang-abang" ang kuwento ng sports drama series na ito.
Kasama rin sa Hearts On Ice sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.
Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13 sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: