
Muling pinatunayan ng Sparkle actress na si Andrea Torres na isa siya sa mga pinaka-sexy sa Kapuso Network, matapos pag-usapan ang latest beach photo niya sa Instagram.
Feeling confident and sexy si Andrea habang naka-pose sa isang white-sand beach suot ang isang animal print-inspired na bikini.
Napa-comment din sa viral photo ni Andrea ang Kapuso actress na si Ina Feleo.
Source: andreaetorres (IG)
Kasalukuyan nasa Caramoan si Andrea para sa shooting ng kaniyang international movie na Pasional.
Samantala, tinutukan naman ang guesting din ng former Bubble Gang star sa hit sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.
Nakilala ng mga manonood ang karakter niya last Easter Sunday bilang si Nurse Emily.
Sa exclusive interview ni Andrea Torres sa GMANetwork.com, binalikan niya ang ilang moments na kaeksena niya ang multi-awarded actor.
Kuwento niya, “Natuwa akong madiscover na kalog din pala si JLC. Palabiro siya and siyempre it helped a lot pagdating sa mga eksena kasi wala kayong ilangan.”
“There's one na tawang-tawa kaming dalawa 'di na talaga namin mapigilan. Naiyak na siya sa kakatawa,” pagbabahagi niya. “Memorable moment naman, of course, 'yung mga bonding namin off-cam, mga kantahan, kwentuhan, at kulitan.”
Heto ang ilan sa sexiest photos ni Andrea Torres sa Instagram sa gallery na ito.