GMA Logo Vin Abrenica, Kristoffer Martin, Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Zoren Legaspi
What's on TV

Netizens, napa-'wow' sa cast ng upcoming mega serye ng GMA sa 2023

By Jimboy Napoles
Published December 6, 2022 6:57 PM PHT
Updated February 6, 2023 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Vin Abrenica, Kristoffer Martin, Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Zoren Legaspi


Zoren Legaspi, Vin Abrenica, at Jeric Gonzales, kabilang sa cast ng bigating serye ng GMA sa 2023.

Maraming netizens ang natuwa sa video na inilabas ng GMA Network sa social media kung saan makikita ang bigating cast ng upcoming mega serye ng GMA sa 2023.

Sa naturang video na kinunan sa story conference ng nasabing series ngayong Martes (December 6), makikita ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, at Michelle Dee.

Dumalo rin sa naturang event ang batikang aktor na si Zoren Legaspi, hunk actors na sina Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at Start-Up Ph actor na si Jeric Gonzales.

Photo source: GMA Network

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Sa comments section ng nasabing video sa Instagram at TikTok, maraming netizens ang nagbigay suporta sa nasabing series at sa cast nito.

“OMG all of my fave girls in one frame. I like GMA very much. For sure it will be the best MEGA SERYE NEXT YEAR,” saad ng isang netizen.

“Lahat bigatin star. Ito ang masasabing may class,” dagdag pa ng isang netizen.

“Wowww kaabang-abang,” hirit pa ng isang fan.

Maging ang batikang aktres na si Jackie Lou Blanco, hindi napigilang magkomento sa nasabing video, “Wow!!!” aniya.

Bagamat hindi pa nagbibigay ng detalye tungkol sa naturang bigating serye, kanya-kanyang hula na ang mga netizens sa magiging istorya nito.

“Encantadia??” hula ng isang fan.

“Mala-amazonian warrior 'to,” usisa naman ng isang netizen.

Sa “Chika Minute” report sa 24 Oras kamakailan, nauna nang ibinalita na puspusan na ang training nina Sanya, Kylie, Gabbi, Rochelle, Michelle, at Arra bilang paghahanda sa nasabing Kapuso serye.

"Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din ito at fantasy at nandoon din, halos lahat. Action. Lalo na ang action nandito. Pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya talaga magkakasundo kapag pinanood ito," ani Sanya.

Bisitahin ang GMANetwork.com para sa updates tungkol sa mega seryeng ito ng GMA.

NARITO ANG LISTAHAN NG ICONIC GMA TELESERYES NA PWEDENG BALIKAN AT PANOORIN ONLINE: