
Huling linggo na ng Stolen Life kaya naman inaabangan ng mga manonood ang mangyayari kina Lucy (Carla Abellana), Farrah (Beauty Gonzalez), at Darius (Gabby Concepcion).
Sa post ni Carla, binalikan niya ang kaniyang journey sa paggawa ng Stolen Life. Ani Carla, "8 months of taping. 3 months of airing. 5 episodes remaining."
Makikita sa post na ito ang mga papuri ng netizens na tumutok sa Stolen Life.
Ayon sa isang netizen, "'Stolen Life' is one of the best in GMA afternoon prime! The cast really did their best, that's why kuhang kuha ang atensyon ng bawat manonood!... Congratulations on a successful project, madam! We love you! And we are always so proud of you!"
Komento naman ng isa, "It's one of the best GMA drama ever. Forever in my kapuso... Ofw. From KSA."
Dahil sa naging kontrabida rin si Carla sa Stolen Life, may nagsabing mami-miss nila ito.
"Mamimiss ko katarayan mo Lucy!... Este si farrah pala un."
Palakpak naman ang iniwan na komento ng isang netizen at saad pa ng isa, ay paganda nang paganda ang Stolen Life.
Kapit na sa huling linggo ng Stolen Life. Panoorin ito sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits, Lunes hanggang Biyernes 3:20 p.m. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life: