GMA Logo Jillian Ward and Jeff Moses
What's on TV

Netizens ship Jillian Ward and Jeff Moses's characters in 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published October 18, 2022 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Jeff Moses


Bagay nga ba sina Reagan at Analyn?

Bukod sa mga karakter nina Carmina Villarroel at Richard Yap na sina Lyneth at Doc RJ, kinakikiligan din ngayon ng Abot Kamay Na Pangarap viewers ang tambalan nina Jillian Ward at Jeff Moses.

Kasalukuyang napapanood sa drama series ang teen actress na si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos, ang youngest doctor sa bansa.

Samantala, ang Sparkle artist naman na si Jeff ay napapanood bilang si Reagan, ang mabait at masipag na janitor sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Analyn.

Mula nang magtrabaho si Analyn sa APEX Medical Hospital, isa si Regan sa laging nakasuporta sa batang doktor.

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa simpleng mga asaran lang ngunit kalaunan ay nahulog na ang loob ni Regan kay Analyn.

Sa katatapos lang na episode ng Kapuso serye na ipinalabas noong October 18, napanood kung paano bumabawi ang binata sa dalaga matapos niya itong paasahin na may gusto sa kanya si Dr. Luke Antonio (Andre Paras).

Ilang minuto matapos ang palabas, naging usap-usapan sa social media ang mga karakter nina Jillian at Jeff.

May netizens ang nagsabi na bagay na bagay daw ang batang doktor at ang napakabait na janitor.

May pag-asa kayang makapasok si Reagan sa buhay ni Analyn? Abangan!

Patuloy na tumutok sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapanood din ang programa via Kapuso livestream. Maaari namang balikan ang mga nagdaang episode ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: