
Dahil bukas na ulit sa publiko ang turismo ng Palawan ay dinayo ng Unang Hirit ang ilan sa mga patok na tourist destination sa tinaguriang "world's best island" ng taon.
Kasama si UH TouriStar Kareeza Tullo, silayan ang naggagandahang tanawin ng Puerto Princesa Subterranean River National Park, Sabang Beach, Sabang Mangrove Forest, at Ugong Rock Cave.
Unang pinuntahan ni Kareeza ang world famous underground river sa Puerto Princesa na kabilang sa New 7 Wonders of Nature.
Sunod niyang binista ang napakaganda at napakalinis na shoreline ng Sabang Beach.
At maliban sa pagpasyal sa beach at underground river, isa pa sa mga puwedeng gawin sa Palawan ay ang puntahan ang Sabang Mangrove Forest.
Samahan si UH TouriStar Kareeza Tullo sa kanyang virtual tour at panoorin ang video sa itaas.