GMA Logo Regal Studio Presents
What's on TV

New season, new love stories sa 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published July 3, 2026 8:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express: July 3, 2026 [HD]
2 suspects in gadget store heists in Mindanao nabbed
Fast food chain unveils new dessert flavors after saying goodbye to famous apple pie

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Mga bagong kwento ng pag-ibig ang hatid ng 'Regal Studio Presents' sa new season nito.

Narito na ang bagong season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Hatid nito ang bagong love stories na kakikiligan at kapupulutan pa ng aral.

Magbubukas ang brand-new season sa episode na "Til Debt So Us Part," starring Nikki Co at Sarah Edwards.

Kuwento ito ng isang debt collector na tila magkakaroon ng change of heart dahil sa makikilalang babae na baon sa utang.

Hindi rin dapat palampasin ang "The Undying Proposal" kung saan isang lalaki ang paulit-ulit na mamamatay tuwing magpo-propose siya sa kanyang girlfriend.

Bibida rito sina Prince Clemente, Sam Acosta, at Brooke Barredo.

Tampok naman si Shayne Sava bilang babaeng pretty pero mean sa episode na "Maldita Girl."

Paano kung mawala ang kanyang good looks at ang tanging paraan para maibalik ito ay ang pagiging mabait?

Makakasama ni Shayne sa episode si Raynold Tan.

Masusubukan naman ang friendship ng tatlong lalaki sa "Operation Break Up" na pagbibidahan nina Larkin Castor, Ralph Miaco, at MJ Macalintal.

Dahil sawi sa pag-ibig ang dalawa, susubukan nilang i-sabotage ang relationship ng isa pang kaibigan para pare-pareho silang heartbroken.

Bibida naman sina Royce Cabrera at Cheska Fausto sa episode na "Secret Gayuma Recipe."

Tungkol ito sa isang barista na may crush sa kanyang boss. Susubukan niya ang lahat para mapansin nito, pati na ang paggamit ng isang love potion.

Makaka-relate naman ang maraming breadwinner sa "Welcome Home" na pagbibidahan nina Liezel Lopez at Dom Pangilinan.

Uuwi sa Pilipinas ang isang OFW at ikagugulat niyang maraming itinatagong lamat ang kanyang picture-perfect family.

Maghahatid naman ng bittersweet love story sina Arra San Agustin at Kimson Tan sa "Levin and Lisa Forever."

Gaganap sila bilang married couple na mafo-fall out of love sa isa't isa. Ang catch—nakasaad sa prenup nila na ang unang makipaghiwalay ay magbabayad ng sampung milyon!

Bigatin naman ang kuwento ng "Heavy Hearts" starring Mikee Quintos at Matt Lozano.

Kuwento ito ng isang plus-sized couple na magkakaroon ng strain sa kanilang relationship nang pumayat at lumaki ang ulo ng isa sa kanila.

Gaganap naman si John Feir bilang cockfighting enthusiast sa "Paborito Unico Hijo."

Ano ang gagawin ng isang tatay na sabungero kung biglang maging manok na panabong ang kanyang nag-iisang anak na lalaki?

Huwag palampasin ang bagong season ng Regal Studio Presents, every Sunday at 2:00 p.m. sa GMA!

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.