
Agaw-pansin ang baguhang aktor na si Naia Ching dahil sa kanyang kakaibang pangalan.
Sa nakaraang press conference ng pelikulang How to Slay a Nepo Baby, nausisa ang model-turned-actor sa kanyang pangalan na kapareha ng acronym ng pangunahing airport sa bansa, ang Ninoy Aquino International Airport.
Pag-amin ni Naia, “I was named after the airport talaga. Pero hindi po ako doon pinanganak, baka po magkaroon ng confusion.
“Sabi kasi ng brother, yung year na pinanganak ako, doon po yata ginawang NAIA yung airport natin? Pero it's pronounced as Na-ya.
“Actually, every time na tinatanong ako, I have to say na, 'Hindi po ako sa airport ipinanganak.'
“Isa pa rin po yon, sabi nila [sa check-in counters], kung dito po ba ako ipinanganak?”
Ang How to Slay a Nepo Baby ang debut acting project ni Naia. Ito ay matapos siyang maging bahagi ng fitness competition na Century Tuna Superbods.
Kuwento ng 28-year-old actor sa kanyang pagpasok sa showbiz, “I was with Cornerstone and I had the opportunity to have a workshop with Direk Red Marmol, which I'm very grateful kasi siguro nakita niya ako na may potensiyal.”
Umaasa si Naia na masundan pa ng iba pang acting projects ang pelikulang ito.
Samantala, tingnan ang iba pang celebrities at ang kanilang tunay na pangalan dito: