Showbiz News

Ken Chan, pangarap na gawin ang pelikulang 'Papa Mascot'

By Aedrianne Acar

Bukod sa pag-arte sa kaniyang first solo film na Papa Mascot, co-producer din ang Sparkle heartthrob na si Ken Chan.

Nagkuwento si Ken sa panayam sa kaniya ng 24 Oras tungkol sa latest project na ito na malapit na ipalabas sa big screen.

Lahad nito sa “Chika Minute,” “Matagal ko na pinapangarap na makagawa about sa lipunan naman. 'Yung tina-tackle about 'yung sa society. About sa lipunan, about sa sakripisyo, sa pagmamahal [at] about sa government.”

Inusisa rin ng GMA Integrated News showbiz reporter na si Lhar Santiago, kung gusto na ba pasukin ni Ken Chan ang next stage sa kaniyang buhay na maging isang ama?

Gaganap na tatay ang versatile actor sa Papa Mascot.

“Siyempre Tito Lhar,” pag-amin ni Ken Chan. “Pero 'di na muna. Ang dami ko pa kailangan gawin at misyon na kailangan tapusin. Hindi kasi maging biro maging isang ama. Mahirap maging isang haligi ng tahanan.”

Malapit na rin daw magbalik serye si Ken Chan at dapat daw ito abangan ng mga Kapuso na nami-miss na siya makita sa telebisyon.

Aniya, “Abangan n'yo po mga Kapuso, kasi papasok po ako sa isa sa mga teleserye natin sa GMA Network na kung saan talagang napakataas at napaka-successful ng teleserye na 'to. Ang taas-taas ng ratings nila.”

Naging espesyal din ang pagbisita ni Ken Chan sa bansang Thailand kamakailan, dahil naka-duet niya sa isang event sa Bangkok ang JKN Global Media CEO at Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip.

Kilala ang JKN Global bilang isang top content management at distribution company.

Kuwento ni Ken sa “Chika Minute,” “Sabi kasi ni Miss Anne sa akin, every time na pupunta ako ng Thailand dapat pupunta ako at bibisita ako sa JKN [laughs]. At bibistahin ko siya.”

Paano naman kaya siya nag-prepare para sa special performance nila ni Anne?

“'Yung Thai song na 'yun talagang pinag-aralan ko ng ilang buwan, dahil hindi madali. So 'yung Thai song na kinanta ko dun sa JKN ay theme song 'yun ng Destiny Rose nung pinalabas siya sa Thailand.”

Matatandaan na bumida sa high-rating series na Destiny Rose si Ken Chan taong 2015 na ipinalabas sa GMA Afternoon Prime

BALIKAN ANG AMAZING TRIP NI KEN SA THAILAND LAST YEAR SA GALLERY NA ITO: