Showbiz News

May bagong kagigiliwan tuwing umaga sa GMA



Magsisimula ang inyong anime fun after Unang Hirit at 7:35 a.m.!

Mas maaga nating mapapanood ang Doraemon, Detective Conan, Pokemon, Inuyasha, Flame of Recca at DragonBall Z Kai. Daragdag pa sa kasiyahan si Luffy ng One Piece.

Ang cute na cute na si Doraemon, makikita na pagkatapos ng Unang Hirit. Pagkatapos nito, mapapasabak naman tayo sa pag-solve ng mysteries kasama si Detective Conan.
Susundan si Detective Conan ng bagong-bagong One Piece.

Sa pagkawala ng legendary Pirate King na si Gol D. Roger, marami ang naghahangad na makuha ang One Piece. Dahil dito, nagsimula ang pirate era.

Kabilang si Luffy, na may kakayahang baluktutin ang kanyang katawan na parang goma, sa mga naghahangad sa One Piece. Nais niyang makilala bilang susunod na Pirate King.

Magtagumpay kaya si Luffy na mahanap ang One Piece gayong may mga ibang pirata rin na nais kunin ito? Sino ang makakatulong at makakasama niya sa kanyang adventure?

Pagkatapos nating maglayag kasama si Luffy ng One Piece, kolektahin naman natin ang mga paborito ninyong Pokemon. Magpapakitang-gilas din sina Inuyasha at Kagome sa InuYasha. Gagawa naman tayo ng fireball sa Flame of Recca.

At sa huli, masasaksihan natin ang lakas ni Son Goku sa DragonBall Z Kai.

Lahat iyan every morning after Unang Hirit at 7:35 a.m.!

--Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com