advertisement
Showbiz News

Meet Mela Habijan, the first-ever crowned Miss Trans Global

1 of 19

Transgender woman

Si Mela Franco Habijan o Mela ay nakilala bilang isang TV writer, online content creator, educator, at ngayon bilang isa sa mga trans women artists sa Asawa Ko, Karibal Ko.

2 of 19

Franco

Isang normal na estudyante lamang noon si Mela na mas kilala sa kaniyang pangalan na Erick Franco Habijan. Nagtapos si Mela ng Bachelor of Arts in Communication sa Ateneo de Manila University.

3 of 19

Achiever

Nagtapos din si Mela bilang Cum Laude noong 2008.

advertisement
4 of 19

Writer

Naging TV writer din si Mela para sa mga programa ng ABS-CBN.

5 of 19

Transition

Matapos ang pag-aaral, unti-unti na nagsimula ang transition ni Mela.

6 of 19

Fitness

Tulad ng isang normal na babae, concerned din si Mela sa kaniyang figure lalo na't importante ito sa pag-transition bilang isang trans woman.

advertisement
7 of 19

'Asawa Ko, Karibal Ko'

Napapanood si Mela sa 'Asawa Ko, Karibal Ko' bilang best friend ni Venus, (Thea Tolentino) na dating asawa ni Rachel (Kris Bernal).

8 of 19

Acting

Kuwento ni Mela sa kaniyang Instagram, “Never in my wildest dreams did I see myself acting for a teleserye. Maarte lang naman ako pero hindi ako umaarte. But when I was tapped to act as a transgender woman named “Mela”, sino ba naman ako para umarte?”

9 of 19

Miss International Queen

Kasalukuyan naghahanda si Mela para sa kaniyang pagsali sa Miss International Queen, ang pinakamalaking beauty pageant para sa transgender women.

advertisement
10 of 19

Hosting

Aktibo rin sa pagiging event host si Mela.

11 of 19

Vlogging

Mahilig din si Mela sa vlogging, kung saan madalas niyang nababanggit ang pagiging isang transgender Pinay.

12 of 19

Love wins

Inspirasyon ni Mela ang pagmamahal at pagtanggap sa kaniya ng kaniyang mga magulang sa pagiging mas confident na trans woman.

advertisement
13 of 19

Campaign

Tumakbo noong 2016 si Mela, na noon ay kilala pa bilang Erick Habijan para sa pagka-Councilor sa District 2 ng Marikina City. Nag-viral ang kanyang mga campaign posters na may slogan na “Bago. Bata. Bakla.” Umani ng atensyon online ang kanyang posters matapos na subukin na ipatanggal ang mga ito dahil sa kanyang slogan.

14 of 19

Viral

'Di man nagwagi sa eleksyon, nagbigay ng pasasalamat si Mela sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang pagkandidato. 'I DID NOT WIN THE ELECTIONS BUT... I put up a good fight! Walang daya. Walang biniling boto. Walang binaklas na poster. Walang siniraang kapwa kandidato.'

15 of 19

Fighter

Isang LGBTQIA+ advocate si Mela. Sa katunayan, ginagamit niya ang kanyang boses at plataporma para pairalin ang isang safe at equal environment para sa mga transpeople na katulad niya.

advertisement
16 of 19

Fashion

Ipinapakita ni Mela ang galing ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsuot ng mga disenyo ng Pinoy tuwing may international competitions.

17 of 19

Queen

Matapos ang pagsali niya sa Miss International Queen noong 2018, sumabak muli sa isang international competition si Mela ngayong 2020.

18 of 19

Interview

Noong quarantine, ipinamalas ni Mela ang kanyang galing sa pag-host sa pamamagitan ng kanyang online show na “3some.” Dito, nakapanayam na niya ang iba't ibang showbiz personalities tulad nina KC Concepcion, Steve Dailisan, DJ Chacha, at Vice President Leni Robredo.

advertisement
19 of 19

Miss Trans Global 2020

Noong September 12, hinirang si Mela na kauna-unahang Miss Trans Global. Aniya sa Instagram, hindi naging madali para sa kanya ang kumpetisyon ngunit nakamit niya ang lahat ng ito sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at taga-suporta.