
Mapapanood na simula bukas ang inaabangang Korean melodrama series na Eve na siguradong kahuhumalingan ng mga manonood!
Punong-puno ng matinding emosyon ang naturang serye na handog ng GMA Heart of Asia na pinagbibidahan ng Korean stars na sina Seo Yea-ji, Park Byung-eun, Yoo Sun, at Lee Sang-yeob.
Iikot ang istorya nito sa gagawing paghihiganti ni La-el (Seo Yea-ji). Bata pa lamang si La-el ay inalis na sa kaniya ang lahat - pera, pamilya, at kasiyahan. Lahat ng ito ay kinuha sa kaniya ng mayayamang tao na kinain ng kasakiman.
Ang pagkamatay ng kaniyang ama at pagkasira ng kanilang pamilya ang mag-uudyok sa kaniya upang isakatuparan ang kaniyang binuong plano na paghihiganti sa loob ng 13 taon.
Ang pangunahing target niya ay ang CEO ng LY Group business empire na si Connor (Park Byung-eun), isa sa mga dahilan ng pagkawala ng kaniyang ama.
Sisirain ni La-el ang relasyon ni Connor sa asawa nitong si Sylvia (Yoo Sun) na anak ng isang kilalang politiko.
Aakitin ni La-el si Connor hanggang sa magkahiwalay sila ni Sylvia at mapabagsak niya ang kumpanya nito.
Magtagumpay kaya si La-el sa kaniyang planong paghihiganti?
Huwag palampasin ang kanilang mga intense na eksena sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20-10:50 p.m., at Biyernes, 10:35-11:20 p.m., sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, TIGNAN ANG FIERCEST LOOKS NI SEO YEA-JI SA GALLERY NA ITO: