GMA Logo Seo Yea ji
What's Hot

Korean melodrama series na 'Eve,' mapapanood na sa GMA Telebabad!

By Abbygael Hilario
Published April 2, 2023 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Yea ji


Subaybayan ang kuwento ng paghihiganti ni La-el (Seo Yea-ji) sa Korean melodrama series na 'Eve,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20-10:50 p.m., at Biyernes, 10:35-11:20 p.m., sa GMA Telebabad!

Isa na namang panibagong Korean drama series ang inihahandog ng GMA Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang Korean melodrama series na Eve.

Iikot ang istorya nito sa gagawing paghihiganti ni La-el na gagampanan ng Korean actress na si Seo Yea-ji.

Bata pa lamang si La-el ay inalis na sa kaniya ang lahat - pera, pamilya, at kasiyahan. Lahat ng ito ay kinuha sa kaniya ng mayayamang tao na kinain na ng kasakiman.

Ang pagkamatay ng kaniyang ama at pagkasira ng kanilang pamilya ang mag-uudyok sa kaniya upang isakatuparan ang kaniyang binuong plano na paghihiganti sa loob ng labing-tatlong taon.

Ang pangunahing target niya ay ang ang CEO ng LY Group business empire na si Connor (Park Byung-eun), isa sa mga dahilan ng pagkawala ng kaniyang ama.

Sisirain ni La-el ang relasyon ni Connor sa asawa nitong si Sylvia (Yoo Sun) na anak ng isang kilalang politiko.

Aakitin ni La-el si Connor hanggang sa magkahiwalay sila ni Sylvia at mapabagsak niya ang kumpanya nito.

Makukuha kaya ni La-el ang kasiyahang hinahangad niya sa pamamagitan ng paghihiganti?

Paano kung mapamahal na rin siya kay Connor?

Huwag palampasin ang kanilang mga intense na eksena sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20-10:50 p.m., at Biyernes, 10:35-11:20 p.m., sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG BAD ROMEO SA GALLERY NA ITO: