Showbiz News

Alden Richards, naging close agad kay Julia Montes sa kanilang first meeting?

By Jimboy Napoles

Kumpirmado na ang pagbibidahang pelikula nina Alden Richards at Julia Montes na may titulong Five Break-ups and a Romance mula sa GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad, at sa ilalim ng direksyon ni Irene Villamor.

Sa press conference ng nasabing pelikula ngayong Martes, April 18, excited na humarap sa media sina Alden at Julia na first-time makita ng publiko na magkasama.

Dito ay inamin ni Alden na excited siya na makatrabaho ang Kapamilya actress simula nang malaman niya na makakatambal niya ito.

Aniya, “Na-excite ako with the idea of me being paired with Julia kasi I know how brilliant of an actress she is.”

Ayon pa kay Alden, mabilis siyang naging komportable sa aktres sa kahit sa first meeting pa lamang nila.

Kuwento niya, “Kumbaga parang si Juls 'yung isa sa mga leading ladies, parang sa mga naka-partner ko so far, na unang meeting pa lang as in wala ng pretentions, naramdaman ko 'yung sincerity so hindi rin ako natakot to give my all in this film, kasi siguro napaka-importante kung paano ipinapakilala ng bawat isa 'yung individuality nila bago kami mag-start.”

Hindi naman ito ang unang beses na ipapareha si Alden sa isang Kapamilya actress dahil nagtambal na rin sila noon ni Kathryn Bernardo sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye, na itinuturing na highest grossing Filipino film of all time.

Nakatakdang mapanood ang first-ever film together nina Alden at Julia ngayong taon.

KILALANIN NAMAN ANG MGA NAGING LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: